UNCONSTITUTIONAL ANG ARTICLES OF IMPEACHMENT LABAN KAY VP SARA, DESISYON NG KORTE SUPREMA
Ayon sa ating Saligang Batas:
Ang impeachment cases ay dapat magsimula lamang sa House of Representatives.
Dalawa ang paraan sa pag-file ng Articles of Impeachment, ito ay ang mga sumusunod:
Una, ang verified complaint para sa impeachment ay dapat maisampa ng kahit sinong membro ng House of Representatives o kaya kahit sinong mamamayan ng bansa sa pamamagitan ng isang resolusyon na endorso ng kahit sinong membro ng House of Representatives.
Dapat ang verified complaint ay kasama sa Order of Business sa loob ng 10 session days, at ma-irefer sa House Committee on Justice sa loob ng 3 session days pagkatapos.
Pagkatapos ng hearing sa House Committee on Justice, at mayroong majority vote ng lahat ng membro, kailangan na magsumite ng report sa Kongreso saloob ng 60 session days mula sa araw ng referral, kasama ang resolusyon. Ang resolusyon ay dapat maisama sa kalendaryo para sa konsiderasyon ng Kongreso sa loob ng 10 sessions days mula ng matanggap ito.
Pangalawa, mula sa 1/3 votes ng mga membro ng House of Representatives kung saan ay ang pagsang-ayon sa resolusyon ng Articles of Impeachment ng Committee o pag-override ng resolusyon. Ang boto ng bawat membro ay dapat na nakatala.
Kung ang verified complaint o resolution ng impeachment ay nai-file ng 1/3 ng House of Representatives, ito ay magiging Articles of Impeachment, at ang trial sa Senado ay dapat na agarang magsimula.
Walang impeachment proceedings ang dapat na mai-sampa sa parehas na opisyal na hihigit sa isang beses sa loob ng isang taon.
Ang Articles of Impeachment na isinumite ng House of Representatives base sa 4th impeachment complaint sa Senado ay bawal dahil sa isang taong palugit ng Saligang Batas, Artikulo 11, Seksyon 3(5).
Ayon sa Saligang Batas na dapat ay isang impeachment complaint lamang kada isang taon ang maaaring isampa laban sa mga impeachable officers.
Ang nasabing Articles of Impeachment ay nilabag ang due process of law sapagkat ang kopya nito at ang mga kasamang ebidensya ay hindi naibigay kay VP Sara Duterte upang siya ay mabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa membro ng House of Representatives.
Sinabi ng Korte Suprema na hindi lamang bawal ang ika-apat na impeach complaint dahil sa 1-year bar rule, at ito pa ay labag sa konstitusyon, ibig sabihin ay wala itong saysay o bisa ng batas.
Dahil dito, ang Senado ay walang kapangyarihan na magsagawa ng impeachment proceedings.
Bagama't napa-walang bisa ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte ay hindi nito ibig sabihin na pinapawalang saysay nito ang anumang kaso na maaaring mapatunayan sa ibang impeachment proceedings.
Subalit ang bagong impeachment complaints laban kay VP Sara, kung mayroon man ay maaaring isagawa lamang mula February 6, 2026.
BALIK TANAW:
Mayroong apat (4) na impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte, ito ay ang mga sumusunod:
1. December 2, 2024, 1st impeachment complaint na inendorso ni Cong. Percival Cendana ng Akbayan Partylist;
2. December 4, 2024, 2nd complaint na inendorso naman nila Congs. Brosas at Cong. Manuel ng Bagong Alayansang Makabayan;
3. December 9, 2024, 3rd complaint na inendorso naman ni Cong. Colada ng AAMBIS-OWA Partylist.
Itong tatlong (3) impeachment complaints ay naisampa sa House of Representatives subalit hindi nila ito inaksyunan o hindi man lang inendorso ito sa Speaker of the House hanggang noong February 5, 2025 lamang na isumite kay Speaker Romualdez.
Ang verified complaint for impeachment ay dapat na kasama sa Order of Business sa loob ng 10 araw mula ng ito ay matanggap at na-irefer sa House Committee on Justuce sa loob ng 3 session days.
Pero noong February 5, 2025, habang ang ang Mababang kapulungan ng Kongreso ay nasa 3rd at final regular session, ang mga membro ng House of Representatives ay pinatawag sa Romualdez Hall para sa isang "Caucus" na hindi alam kung ano ang dahilan.
Sa oras ng caucus, ang mga membro ng House of Representatives ang nagsampa ng bagong impeachment complaint laban kay VP Sara, na tinawag na 4th impeachment complaint.
Ang 1 - 3 impeachment complaints ay isinampa ng mga individual o grupo mula sa mga mamamayan at endorso naman ng membro ng Kongreso, at ang 4th impeachment complaint ay isinampa sa pamamaraan na ang 1/3 ng House of Representatives ay pabor dito.
Mas mabilis ang ika-apat na impeachment complaint sapagkat hindi na ito kailangan pa dumaan sa mas mahabang proseso dahil ang napagkasunduan ay magiging Articles of Impeachment at kasunod na nito ang Impeachment Trial.
Mayroong 216 sa 306 na membro ang pumirma sa 4th impeachment complaint. Dahil dito, ang ika-apat na impeachment complaint ay naging Articles of Impeachment at ito ang umakyat sa Senado. Humabol pa ang 25 na membro at naging 240 ang kabuuang bilang.
July 8, 2025, tinanong ng Korte Suprema ang House of Representatives na magsumite ng mga kailangang dokumento sa ilalim ng panunumpa patungkol sa proseo na ginawa tungkol sa 4th impeachment complaint at mga naunang complaints. (Ang detalye ng mga tanong ay nasa desisyon ng Korte Suprema).
Si VP Sara Duterte ay dumulog sa Korte Suprema via Petition For Certiorari upang mapawalang bisa ang 4th impeachment complaint dahil ito ay labag sa konstitusyon, patungkol sa 1-year bar rule.
Ayon kay VP Sara na inipit ng Kongreso ang naunang tatlong impeachment complaint, habang hinihintay ang ikaapat na impeachment complaint. Ito ay labag sa konstitusyon sapagkat na ang mga naunang complaints ay agarang maisumite sa proper committee (House Committee on Justice).
Sinabi naman ng House of Representatives na ang proseso ng impeachment ay "Political Exercise" kung saan ito ay hindi sakop ng kapangyarihan ng Korte Suprema upang usisain pa.
Sinusugan naman ni Atty. Torreon at kaniyang mga kasama na ang hindi pag-refer ng tatlong impeachment complaints sa House Committee on Justice ay para hindi sila mapaso sa 1-year bar rule, kaya ito ay labag sa konstitusyon.
Inihayag din ni Atty Torreon na ang 4th impeachment complaint ay walang proper verification (Masusing nakita at nabasa). Walang affidavits or hiwalay na papel na nakapaloob ang verification ng lahat ng pumirma sa impeachment complaint na dapat ay pirmado ang complaint. Dahil dito, ito ay labag sa konstitusyon.
Napansin din na tila minadali ang 4th impeachment complaint dahil siningit lamang ito at ang marami sa mga membro ay hindi naman alam ang tungkol dito.
Sinabi nila Atty. Torreon na ang impeachment proceedings ay isang pulitkal na pagmamanipula at hindi ayon sa saligang batas na mapanagot ang nagkasala.
Ayon sa desisyon ng Korte Suprema na ang impeachment ay sui generis constitutional proceeding na may usaping legal at mayroong pulitikal na karakter.
Mababasa ang kabuuan ng desisyon ng Korte Suprema sakanilang website.
Comments