12 BILLION PESO WORTH OF COCAINE AY NASABAT AT NAHULING KASAMA ANG ISANG FILIPINO SEAFARER.
Viral sa social media ang sinapit ng isang seafarer kung saan ang kanilang barko ay nasabat ng mga Anti-Drug Enforcement Unit na nahuling may mga dalang cocaine na may bigat na 2.2 tons at nagkakahalaga na humigit kumulang na 157 Million Pounds o 12 Billion Peso sa Pilipinas.
Sa una ay itinanggi ng Filipino Seafarer na siya ay may kinalaman sa kargamento subalit sa mga ebidensya na ipinakita sa korte ay naipakita na siya ay may direktang alam sa pangyayari. Kung kaya kinalaunan siya ay nag-Guilty Plea.
Dahil doon ang Korte sa Ireland ay nagpataw sa kaniya ng 18 years na pagkakakulong at tinatayang sa 2043 pa ang kaniyang paglaya.
Ang kwentong ito ay talagang malungkot para sa ating mga Pilipino at lalo na sa pamilya nitong seafarer. Alam naman natin na illegal sa maraming bansa ang droga (cocaine) at hindi ito nararapat na i-tolerate.
Comments