MILYON MILYONG FOLLOWERS ANG NAWALA SA MGA SOCIAL MEDIA INFLUENCERS NA NAGPOPROMOTE NG ONLINE SUGAL, MARAMI PA ANG MABUBURA.

Ginulantang ang "Mundo ng Social Media" kung saan pinabura ang mga Social Media Accounts ng mga kilalang social media influencers na mga pangunahing promoters ng "Online Gambling". 

Ang mga pinangalanang social media influencers ay sila:

1. BOY TAPANG na mayroong 5.5 Million followers;

2. SACHNA LAPARAN na mayroong 9.7 Million followers;

3. KUYA LEX TV na mayroong 100k followers; at

4. MARK ANTHONY FERNANDEZ na mayroong 242k followers. 

Ayon sa balita ay ang grupong "Digital Pinoys" ang nanguna sa pagbibigay ng mga digital accounts sa kompanyang Meta kasunod ng pag-endorso ng (CICC) o Cybercrime Investigation and Coordinating Center. Mayroon daw na report na umaabot sa P500,000 pataas ang natatanggap ng ilang influencers na nagpopromote ng online sugal, na kasama sa iimbestigahan ang katotohanan dito.

Hindi pa natatapos ang kampanya laban sa pagpigil sa lantarang pag-promote ng online gambling dahil sa marami pa ang social media accounts ang nakalista sa mga target na mapabura. 

Maaari di umano na mahaharap sa kasong "Syndicated or Large Scale Estafa" ang mga social media influencers. 

Maganda ang hakbang na ito na pinangunahan ng Digital Pinoys sapagkat kitang kita naman sa lahat ng lugar na apektado nito hindi lamang ang personal na buhay at pamilya pati na ang mga kabataan. Hayagan na makikita na ang mga kabataan ay talagang nalulolong narin sa online sugal dahil madali lamang itong ma-access. 

Kailangan lamang ng cellphone, data networks at pera sa Gcash ay maaari na mag-sugal ang sinuman. 

Kung sa CASINO ay bawal ang minors, dito sa ONLINE SUGAL ay walang limitasyon sapagkat kahit mga kabataan ay pwedeng magkaroon ng access. 

Sa iyong palagay, tama lamang ba ang ginawa sa pagbura ng social media influencers na nag-popromote ng online sugal?




Comments