PAGPUPUGAY SA MGA ISKOLAR NG BAYAN
PAGPUPUGAY SA TCU GRADUATES BATCH 2025!
Tuloy ang Batch 2025 ng Taguig City University sa kanilang pagtatapos na idinaos nitong July 18, 2025 sa Mall of Asia Arena.
Ang mga TCU Graduates ay tinatawag na ISKOLAR NG BAYAN sapagkat ang kanilang dalawa haggang apat na taon na pag-aaral ay libre o walang bayad.
Ang Taguig City University sa ilalim ng pamamahala ng City Government of Taguig ay mahigpit na isinasaalang alang ang "NO COLLECTION POLICY".
Dahil dito, walang binabayaran ang mga estudyante pagdating sa tuition at miscellaneous fees. Bukod pa rito, ang estudyante na mapapanatili ang required general weighted average ay mabibigyan ng karagdagang P5000 kada semestre.
Ito ay ang mabuting hangarin ng Pamahalaan Lungsod sa pangunguna ng butihing Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, Cong. Jorge Bocobo, Cong. Cong. Ading Cruz, Jr. at mga Konsehal mula sa District 1 & 2, na ang bawat kabataan sa Taguig ay magkaroon ng mataas na antas ng kaalaman upang maging matagumpay sa buhay at maging kaisa sa tagapagtaguyod hindi lamang ng pamilya kundi ng sariling lungsod ng buong bayan.
Ang ISKOLAR ng BAYAN ay hindi isang biro. Ito ay isang mataas na tungkulin na sa araw ng inyong paglalayag ay kaakibat nito ang responsibilidad na maging isang mabuting mamamayan, maging mabuting anak, at maging kasama sa pagpapauland ng Lungsod ng TAGUIG at BANSANG PILIPINAS.
Higit sa lahat, ay lubos ang ating pasasalamat sa BAWAT MAMAMAYAN NG TAGUIG AT TAX PAYERS na kung hindi dahil sa bawat isa ay wala ang magagandang program ng Taguig.
Ang pagpapaunlad ng Bayan ay kailangan ang buong mamamayan para mangyari ito.
Special Mention din sa ating mga KABABATA OFFICERS and MEMBERS na nagsipagtapos sa Taguig City University. Hindi lamang kayo ordinaryong estudyante kundi sa loob ng apat na taon ay inialay niyo rin ang inyog oras, talino at husay sa paglilingkod sa kapwa. IPINAGMAMALAKI NAMIN KAYO!
Sa ating TCU Graduates Batch 2025, ITAGUYOD ANG ATING BAYAN, IPAGMALAKI AT PATULOY NA PAUNLARIN!
MAGING KABABATA MEMBERS! Let's go!
Comments