NO NOONTIME BREAK POLICY O Kilala bilang "No Lunch Break Policy".
Isang ANONYMOUS COMPLAINT ay sinumite sa Opisina ng EXECUTIVE JUDGE at COURT ADMINISTRATOR (OCA).
Ayon sa anonymous complaint, inirereklamo ang RTC Judge at mga Staffs nito dahil nang siya ay ilang beses na pumupunta sa Korte ng mga ito upang mag-follow up ng kaso ng kaniyang minamahal na nakabinbin sa korte na iyon ay laging walang tao.
May pagkakataon na sarado ang opisina sa oras ng lunchbreak hanggang sa oras ng uwian.
Ayon naman sa Judge na inirereklamo ay na kaya sila wala sa opisina ay dahil sila ay nasa lugar kung saan ginagawa ang bagong opisina upang asikasuhin ang pagsasa-ayos ng mga kailangan dito.
Ang Judge at mga staffs ay binigyan ng warning ng Office of Court Administrator sakanilang maling ginawa na iwanan ang kanilang trabaho.
Subalit nang makarating ang reklamo sa Judicial Integrity Board (JIB) upang muling tingnan ang nasabing reklamo, hindi ito sumang-ayon sa OCA na warning lamang ang dapat na parusa kundi ang Judge ay dapat maging "Administratively Liable for Simple Misconduct" dahil sa kanyang poor management of court operations na nagiging sanhin nagpaka-antala ng serbisyong legal.
Nang makarating ang kaso sa Korte Suprema, ito ay sumangyon sa desisyon ng JIB sa pagkakataon na halos lahat ng staffs ng Judge ay inabandona ang opisina sa oras ng trabaho upang magbigay ng serbisyong legal.
Ang sabi ng Korte Suprema na ang JUDICIAL DUTIES ay dapat na laging mauna kaysa sa anumang Administrative concerns, at ang mga kawani ng korte ay hindi obligado na gawin ang mga trabahong wala namang konektado sa proseso ng korte sa oras ng trabaho.
Subalit, ang mga kawani ng korte ay pinawalang sala sapagkat sila ay sumusunod lamang sa ipinag-uutos ng Judge.
Pero, ang Judge ay pinatawan ng parusang multa dahil sa simple misconduct na hindi pagsunod sa "NO NOONTIME BREAK POLICY at HINAYAAN NIYA NA MAGSARA ANG OPISINA NA HINDI NAMAN OTORISADO.
Kaya mga Kababata at mga Kababayan, laging tandaan na walang LUNCH BREAK o NOONTIME BREAK sa lahat ng SANGAY ng GOBYERNO. Ipinagbabwal ito ng batas sapagkat dapat ang serbisyo sa taumbayan ay tuloy tuloy.
Ang sinumang lumabag dito ay MANANAGOT SA BATAS.
Huwag MATAKOT NA IPAGLABAN ANG IYONG KARAPATAN!
Comments