MINIMUM WAGE EARNERS AY MAAARING MAKATANGGAP NG P15,247 HANGGANG P18,216 NA BUWANANG SAHOD SA NCR.

     Ayon sa Department of Labor and Employment ay magiging epektibo na ang karagdagang P50.00 simula July 18, 2025 sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region. 



    Ang kasalukuyang mandatao sa pinakamababang sahod ay itataas sa P695.00 para sa mga hindi-agrikultural na manggagawa at P658.00 para naman sa mga agrikultural na manggagawa, pagtitingi at manupaktura. 

  Ang mga mangagawang minimum wage earner ay maaaring makatanggap ng buwanang sahod mula P15,247 to P18,216 kasama na ang mga benepisyo gaya ng 13th month pay, leave credits at mandatory government contibutions. 

    Sinabi ng Department of Labor and Employment na ang pagtaas ng sahod ay base sa maraming batayan mula sa inflation rate, unemployment rate at sa usaping pang ekonomiya. 

   Marami namang grupo ng mga manggagawa ang hindi masaya sa nasabing pagtaas sapagkat hindi ito sapat. Ninananais ng mga manggagawa na aabot sa P200.00 ang dapat na pagtaas sa karagdagang sahod sapagkat sobrang taas na ng mga bilihin.

      





Comments