MAAARING MAG-FILE NG DIVORCE ANG BABAENG PILIPINA LABAN SA KANIYANG ASAWANG FOREIGNER.

Si Marelyn, isang Pilipino, ay nag-file ng petition for cancellation of entry of marriage sa civil registry ng San Juan. Ang petition ni Marelyn ay alinsunod sakaniyang naunang isinampa na divorce laban sakaniyang asawang hapon at sa inilabas na divorce decree ng Korte ng Japan.

Sinagot ng Prosecution na dapat ang isinampa ni Marelyn ay petition for recognition of and enforcement of foreign judgment. At agad naman inamyendahan ito ni Marelyn ay ginagawang Petition for cancellation of entry of marriage and recognition and enforcement of foreign judgment.


Ang Regional Trial Court ay dineny ang petition ni Marelyn dahil sa kakulangan ng merito. Ayon sa RTC, base sa Article 15 ng Civil Code ay walang karapatan na magsampa ng kasong divorce ang isang Pilipino kahit na nakatira man siya sa ibang bansa o dito sa Pilipinas, kasal man sa isang Pilipino o banyaga, o kinasal man sa Pilipinas o maging sa ibang bansa. Maliban na lamang ang isang Pilipino ay naturalized citizen ng ibang bansa.
Sa ilalim ng Article 15 ng Civil Code, ang batas ng Pilpinas ang umiiral patungkol sa karapatan ng isang Pilipino kaugnay sa karapatng pampamilya at tungkulin, kasama ang pagpapasya sakanilang kalagayan at legal na kapasidad na pumasok sa isang kontrata at relasyong sibil, kabilang na ang kasal.
Nang makarating ang kaso sa Court of Appeals, ibinaliktad naman nito ang desisyon ng Regional Trial Court at sinabing ang Article 26 ng Family Code ang siyang magiging basehan kahit na ang nag-file ng divorce ay si Marelyn na isang Pilipina laban sakanyang asawa na Japanse national. Ang divorce decree ay maaaring isampa hindi lamang ng banyagang asawa kundi maaaring isampa din ng Pilipinang asawa. Sapagkat ang bataw ay hindi nagtatangi.
Nag-file ng Petition for review on certiorari sa Supreme Court ang OSG. Subalit ito ay hindi tinanggap ng Korte Suprema at bahagyang pinaboran ang naging desisyon ng Court of Appeals.
Muling binanggit ng Korte Suprema na ang isang Pilipino ay maaaring magsampa ng Divorce kung ang kaniyang asawa ay isang Foreigner. Ang dahilan dito ay upang alisin ang Pilipino sa hindi tamang sitwasyon na habang ang kaniyang foreigner na asawa ay malaya makapag-asawa ng iba, siya naman ay nananatiling kasal sa asawang foreigner matapos na makakuha ng foreign divorce decree.
Ang mahalagang elemento upang maging legal ang divorce decree abroad sa ilalim ng batas Article 26 paragraph 2 ng Family Code:
1. Ang kasal sa pagitan ng dalawang mag-asawang Pilipino at Foreigner ay mayroong bisa.
2. Ang divorce decree ay nakuha ng foreigner na asawa at siya ay pinapayagan na muling mag-asawa ng iba.
Ang reckoning point daw ay hindi ang citizenship ng mag-asawa sa oras na sila ay ikinasal, kundi ang kanilang citizenship sa oras nakuha ang divorce decree ng foreigner na asawa abroad at pinapayagan siya na muling mag-asawa.
Nilinaw din ng Korte Suprema na hindi lamang asawang banyaga ang maaaring mag-sampa ng divorce abroad, kundi maaari ring magsampa ng divorce ang Pilipina laban sa kaniyang asawang banyaga.
Ganunpaman, dapat na mapatunayan ng nagsampa ng diborsyo abroad na talagang mayroong inilabas na desisyon na nagpapawalang bisa ang korte sa ibang bansa, sapagkat ang korte sa Pilipinas ay walang Judicial Notice sa mga batas ng ibang bansa.
Binalewala naman ng Korte Suprema ang Petition for Review on Certiorari ng Office of the Solicitor General at pinaboran ng bahagya ang mga naunang desisyon ng Court of Appeals at ibinalik ang kaso sa unang korte upang sa pagpapatuloy ng prosesong batas at pagtanggap ng mga ebidensya.

Comments