JOLLIBEE LOWER BICUTAN VS. MC DONALDS

 JOLLIBEE LOWER BICUTAN AY PAPANTAYAN NA NG MCDONALD'S PAGKATAPOS NG HALOS TATLONG DEKADA.

Ito ang sikat na sikat na Jollibee sa Taguig. Sa aming pagkaka-alam ito ang unang Jollibee sa Taguig.
Nakakatuwang isipin na halos lahat ng Jollibee branches sa Pilipinas ay may katapat na McDonald's o ibang fast food chain.



Pero itong Jollibee sa Lower Bicutan simula 90s ay solo ang mga TaguigeƱo sa District 1 pagdating sa Chicken, Spaghetti at Burger.
Sa tuwing kumakain kami dito o napapadaan, napapag-isip talaga kami bakit hindi pinapantayan ng McDo sa mahabang panahon itong Jollibee lower.
Ngayon, kalat na sa lahat na bubuksan na ang Mc Donald's Lower Bicutan na katapat na mismo ng dating pwesto ng Jollibee Lower.
Nakaka-miss ang dating Jollibee. Mayroon pang maliit na palaruan para sa mga bata noon. Dito ang get together tuwing sweldo or birthday.
Sino nga ba naman sa Taguig ang walang alaala sa Jollibee Lower na naghari ng mahabang panahon na ngayon ay tatapatan na ng katunggali nitong Mcdo.
Patuloy parin kaya na Team Jollibee ang District 1? O tuluyan na mamamayagpag ang Team Mcdo?
Ikaw Kababata? Team Jollibee ka ba o Team Mcdo?
Ano ang kwentong Jollibee Lower mo at masasabi sa pagdating ng Mcdo?
Kita kita tayo sa opening, sana invited tayo. Hahahaha!

Comments